‘Killers’ ng Lanao del Norte vice-mayor kinasuhan na sa DoJ

SINAMPAHAN na ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) ang 13 opisyal mula sa Maguindanao kabilang ang dalawang mayor at vice-mayor dahil sa pagpatay kay Lanao del Norte Vice-Mayor Alex Tumawis.

Kabilang sa mga kinasuhan ay sina Sultan Kudarat, Maguindanao Mayor Tocao Mastura; Vice Gov. Dustin Mastura ng Sultan Kudarat; Sultan Mastura Mayor Armando Mastura; Khadaffi Osmena, Datu Teng Diocolang; Commander La ban Ibrahim; Uztdz Ali limbona, Rosalim Bangon, Raul Tomawis pinsan ng biktima, Ibrahim Tucas, Abo Talib, Hadji Gafur, Hadji Abdullah Oranto at john does.

Matatandaan na si  Tomawis ay binaril ng dalawang armadong kalalakihan habang nakikipagpulong sa barangay officials sa reception  table ng parking area  sa kanilang bahay sa Hill Drive, KM 5, Buhangin Davao City, alas 10:45 ng umaga.

Kabilang sa mga nagsampa ng kaso laban sa mga suspek ang biyuda ni Tomawis na si Buldon Maguindanao Mayor Bai Fatoima Ruth Tomawis at si PHilippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Supt. Pedro Cabatingan Jr. , commander ng Task Force Tomawis.

Ayon kay Cabatingan, pulitika ang nakikitang motibo sa pagpatay kay Tomawis dahil ito na sana ang susunod na tatakbong gobernador ng naturang lalawigan. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply