Kim Chiu, magnanakaw ng dyowa ng iba

MAHIRAP namang paniwalaan agad si Kim Chui sa pagsasabing di siya yung kasama ni John na kumakain sa siang resto kamakailan. Mahirap kasing mapagkamalang si Kim si Rachel dahil malayo ang hitsura nila. Isa pa, maraming beses nang napatunayan ang kasinungalingan ng mga artista pagdating sa usaping nakikita silang may kasamang ka-date sa isang lugar.

Heto na nga, nagulat si Kim Chiu nang tanungin siya sa isang TV show kung totoo ang tsismis na nakita silang kumakain sa isang restaurant ni John Prats.

“Ha? Saan? Di ako ‘yun. Nakakahiya naman. Di po,” kaagad na pagtatanggol ni Kim sa sarili.

Nagtataka ang dalaga dahil hindi raw naman sila close ni John at sa ASAP lang sila nagkikita. May nakapagsabi na baka ang girlfriend ni John na si Rachel Anne Go ang kasama ni John nang makita ito.

Una, parehong may dugong Chinese sina Kim at Rachel Anne, at pangalawa, medyo pumayat na rin ang huli. Di ba, mukhang palusot  lang ang ganito?

Isa pa, sumumpa si John na si Rachel Anne na lang talaga ang babae sa buhay niya. “Masaya po kami,” sabi naman ni John sa isang interbyu tungkol kay Rachel Anne. “May tiwala kami sa isa’t isa. Walang tanungan kung sino ba ang kasama mo d’yan, ‘yung mga ganun.”

Oh, well. Malamang sulimpat ang mga mata ng mga nakakita kay John at sa kasama nitong babae sa restaurant. O baka naman it’s a case of mistaken identity—hindi si John ang kasama ni Kim?

“Kung kami talaga ni Willie Revillame, walang makapipigil doon!”- – SHALANI SOLEDAD

May mga balitang lumalabas na  tuluyan nang nahulog ang loob ni Shalani  Soledad  kay Willie Revillame.

Gaya nga pagbubiking ni Annabelle Rama na sina Willie at Shalani na.

Hindi naman ito nakakapagtaka, sa araw-araw  ba naman na  kinukulit at sinusuyo ni Willie on  and off  cam, sino ang hindi mahuhulog ang loob sa main man ng Willing Willie?

Nagsimula ang lahat sa  tuksuhan at biruan pero kahit sino ang tanungin, knows na ang tipo ni Shalani  ang  talagang gugustuhin ni Willie. Kung noong una ay sobrang mahiyain si Konsehala Shalani, habang  lumipas ang mga araw, nasanay na rin itong humarap sa camera na tulong at suporta na rin ni Willie.

Marami na tuloy ang nagtatanong kung suitor pa rin ba si Willie si Shalani o sila na? Hindi namin ito masagot pero sa nakita naming pictures ng dalawa sa  isang entertainment page, mukhang hindi na maitatago nina Willie at Shalani ang damdamin nila sa isa’t isa.

Matapos ang failed relationship ni Shalani kay Pangulong Noynoy Aquino, at  si Willie sa kanyang  failed marriage,  karapatan  din nilang  maging maligaya, ’di ba? Kaya kung may namamagitan na sa dalawa, tiyak na marami ang matutuwa dahil  they both deserve to  be happy.

Finally it was time for Shalani to speak up.  “Masarap katrabaho si Willie. Nahawa ako sa kanya. Pag siya’ng kasama ko, masaya talaga ako.

“But let me focus on my work now. Huwag nating bigyan  muna ng kahulugan yung pagsakay  ko sa mga biro niya, parte lang po ng programa ‘yan.

“Pero kung darating ang araw na kami na, walang makapipigil doon, kung yun ang kapalaran naming dalawa, tatanggapin ko.

“But for now, I assure you na trabaho lang muna. Love can wait at sana, sa maganda nga mauwi itong sa amin ni Willie Revillame,” nagmamadaling sabi pa ni Shalani Soledad. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply