Kindergarten maisasama na sa elementarya

INAPRUBAHAN na sa huli at ikatlong pagbasa sa Kamara ang House Bill 3826 na nagsusulong na pormal na maibilang sa basic education system ang kindergarten o kindergarten Education Act.

Nakapaloob sa panukala na ang batang may edad limang taon  ay dapat munang pumasok sa kinder bago ito tanggapin sa Grade 1.

“ The act shall apply to elementary school system being the first stage of compulsory formal education,” ayon pa sa panukala.

Kinikilala ang karagdagang isang taon sa kinder bilang “ academic and technical development of the Filipino child for it is the period when the young mind’s absortive capacity for learning is at its sharpest.”

Nakasaad din na ang kindergarten ay sasailalim sa Bureau of Elementary Education (BEE) ng Department of Education para sa pampubliko at pribadong paaralan.

Maging ang pagkuha sa mga guro para sa kinder ay kailangang dumaan din sa BEE at DepEd dahil ito ang maglalatag ng kuwalipikasyon.

Sa sandaling maisabatas na ang panukalang ito ay otomatikong makikipag-ugnayan ang DepEd sa Department of Social Welfare and Development, Budget and Management at Interior and Local Government para sa pagpapatupad ng mga regulasyon ukol dito.  Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply