Kings buhay pa sa semis

NANANATILI pa ring buhay ang Barangay Ginebra Kings sa PBA Philippine Cup semifinals series.

Ito ay matapos magtuwang sina Mark Caguioa at Rudy Hatfield para sa Kings dahilan upang magapi nila ang San Miguel Beermen sa iskor na 95-78 sa Araneta Coliseum kamakalawa ng gabi.

Sa unang bugso ng laro ay nagpakita na ng gilas sina Caguioa at Hatfield sa paghahabol ng grupo sa 30-14 lead makaran ang one quarter.

Nang marinig ang “Ginebra! Ginebra! Ginebra!” na hiyawan ng mga fans ay tila biglang nag-init ang team.

Si Caguioa ay tumapos ng 17 points at 12 rebounds habang si Hatfield ay nagdagdag ng 16 sa breakthrough win na ito ng Kings sa best-of-seven series.

Sa kabila ng panalo, lamang pa rin sa kartada ang Beermen, 2-1.

Ayon sa panig ng Kings, tila dumaan sila sa butas ng karayom bago nanalo dahil nahirapan sila sa kalaban.

“We just needed to win this one,” pahayag ni Caguioa matapos ang laro. “People just don’t know that me and Rudy were into it. Hindi naman kami nag-aaway. We’re just emotional about having to win this one.” GP/RT

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply