Kings nilumpo ng Celtics

NAGTUWANG sina Paul Pierce at Ray Allen sa ginawang paggiba ng Boston Celtics sa Sacramento Kings kahapon.

Kasabay nito, si Emeka Okafor ay kumana ng 18 points at 14 rebounds sa panalo ng New Orleans Hornets laban sa Orlando 92-89 habang pinanonood naman ni Michael Jordan ang kanyang team na Charlotte Bobcats sa pagsalang sa laro nito.

Sina D.J. Augustin at Derrick Rose ay nagtuwang sa pagsikwat ng Bobcats ng 96-91 victory laban sa Chicago Bulls.

Natupad ang pangako ni Oklahoma City coach Scott Brooks na aangat muli ang Thunders nang manalo ang mga ito sa laban kontra Houston Rockets.

Matinding opensa at depensa naman ang ginamit nina Deron Williams at reserve C.J. Miles sa pagdurog ng Utah Jazz sa New York Knicks 131-125 habang ang Indiana Pacers ay pinulbos ang Dallas Mavericks 102-89.

Samantala, dinagit naman ng Atlanta Hawks ang Toronto Raptors sa iskor na 104-101 sa tulong nina Jamal Crawford at Mike Bibby.

Si Bibby ay kumana ng 3-pointer may 8.2 seconds ang nalalabi sa laro habang si Crawford ay tumipa ng season-high 36 points. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply