Kings nilunod ng Beermen

UMALAGWA ang San Miguel Beer sa Ginebra San Miguel kasunod ng pagrerehistro ng pangalawang panalo sa best-of-7 semifinals ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nagpasabog ng 4 na triples si Jay Washington sa second half sa kanyang top score na 29 puntos na katulad na bilang na naibuslo ni Dondon Hontiveros sa pagpapaluhod sa sister-team sa iskor na 108-102.

Ang panalo ay pang-apat ng dribblers ni coach Ato Agustin sa kanilang tunggalian mula pa sa elimination round. Sinikap ng Gins na makadikit sa 16-0 run sa tres ni JC Intal sa iskor na 102-105 subalit ginantihan ng freethrows nina Washington at Hontiveros patungo sa 8.1 segundo ng laro.

Naibalik naman ng Talk ‘N Text ang pangunguna sa sariling best-of-7 kontra B-Meg Derby Ace sa 92-78 panalo sa kanilang 3rd encounter. Sina Texters Ryan Reyes na bumanat ng 16 at Larry Fonacier na kumana ng 15 points ang nagpahirap sa Llamados.

Ang Tropang Texters-Derby Ace Llamados ang maglalaro sa unang game sa Araneta Coliseum bukas samantalang ang Barangay Ginebra ay magsisikap na makaahon sa pagkakalubak sa sister-team na San Miguel Beer alas 6:30 ng gabi sa main game. RT

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply