Kobe, Lebron, Garnett at Wade pasok sa NBA All-Star

SIGURADO nang lalaro sa NBA All-Star game ang paboritong sina Lebron James at Dwayne Wade ng Miami Heat at Kevin Garnett at Rajon Rondo ng Boston Celtics at Dwight Howard ng Orlando Magic bilang starters para sa Eastern Conference.

Sa Western Conference, nangunguna si Kobe Bryant at sinundan ni Chris Paul ng New Orleans Hornets, Kevin Durant ng Oklahoma City Thunders, Carmelo Anthony ng Denver Nuggets at Yao Ming ng Houston Rockets.

Nakapagtatakang kahit sigurado ng hindi makalalaro si Yao Ming dahil ka-oopera lang ng kanyang left ankle ay nangunguna pa rin ito sa botohan.

Sa loob ng pitong taong, 2003-2009 na paglalaro sa NBA ay laging nakakapasok si Yao Ming bilang starter ng NBA All-Star.

Noong nakaraang taon, hindi siya nakasama sa mga ibinoboto dahil sa injury.

Kung ang isang injured player ay naibotong starter, si NBA commissioner David Stern ang pipili ng papalit sa kanya,
samantalang ang coach naman ang pipili ng kapalit na reserve.

Ang NBA All-Star game ay gaganapin ngayong Pebrero 20 sa Staples Center, Los Angeles, California.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply