Kontra-gutom na programa ng mga kongresman nasaan?

SABI ng mga mambabatas sa haws op di representatibs, kasama sila sa mga kumikilos para maiangat si Juan mula sa paghihikahos.

In pak, ipinakikita nila na bilang mga lider na naluklok sa Kamara sa bisa ng boto ni Juan, dapat silang manguna sa pagtitiyak ng tagumpay ng programa na pro-pur, pro Juan. Beri gud ang mga kongresman.

In layn wid da program umano ni PNoy, prayoridad nila ang paggawa ng mga batas at programa laban sa kahirapan at gutom.

Meron silang binabanggit na lumundag ang bilang ng mga naghihirap  na lahi ni Juan mula sa mahigit 23 milyon noong taong 2003 sa mahigit 26M noong taong 2006.

At milyon-milyon dito ang talaga namang biktima ng gutom.

Ang gutom ay labis na kakulangan ng pagkain o kawalan talaga ng makain.

Matanong natin ngayon ang mga mambabatas: ano-ano ba ang mga batas na naiisip ninyo kaugnay ng problema sa kahirapan at kagutuman?

Dahil may pork barrel kayo, ano-ano ang mga programa ninyo laban sa kahirapan at gutom? At dahil nasa kapangyarihan kayo, ano-ano pa ang mga isusulong ninyong hakbang para lumaya si Juan sa nasabing mga problema?

oOo

Nagtatanong tayo, Suki, dahil hindi natin gaanong naiintindihan ang mga pinagsasabi ng mga kongresman.
Kung meron mang klaro na programa, walang iba kundi ang P21 bilyong conditional cash transfer na ipinasakamay ni PNoy kay Dinky Soliman. Para sa mga pures op da pur ang dambuhalang halaga,
sabi.

Tiyak umanong mababawasan ang bilang ng mga labis na nagugutom sa programa at sa huli maituturing na lang silang mahirap? Ganun?

oOo

Talaga namang hindi natin gaanong maintindihan ang mga kongresman.

Paano? Kasi naman, hindi kasali sa usapan ang kanilang mga pork barrel.

Sa millenium development goals nga lang na pagpawi sa gutom ang usapan, iisa lang yata ang magkokontribusyon mula sa kanyang pork barrel na nasa P70 milyon.

Magbibigay umano ang kongresman ng P10M pero hindi natin alam kung taon-taon na gagawin niya ito at kung ano-ano ang kanyang mga kondisyon.

Tanong natin sa mga kongresman: may kumikilos ba na tapyasan ang nasa P700-P800 bilyong pambayad sa utang taon-taon at i-divert ito laban sa kahirapaan at gutom?

Alam ng lahat, Suki, na yang utang na binubuo ng lokal at dayuhan ang namber wan na dahilan kung bakit kapos ang gobyerno sa pagsusulong ng mga programang pangkaunlaran.

Ang masakit dito, pilit na nagbabayad ang gobyerno kahit kinukulapulan ng mga katakot-takot na anomalya ang marami sa mga utang na yan.

Sinasaid ng mga utang na yan ang pambansang badyet na sana’y gawing puhunan sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Tanong pa sa mga kongresman: may kumontra ba kay PNoy sa pagsusulong nito ng toll hike, power hike, oil price hike, fare hike sa LRT at MRT at iba pang nagbubunga ng gutom?

Nasaan din ang boses nila sa wage  hike?

O mga kongresman, sagot!!!

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply