Korean, driver ligtas sa ambush

NAKALIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang isang Korean national habang patuloy pang ginagamot ang Pilipinong driver nito matapos paulanan ng bala ng mga hindi nakilalang suspek sa Imus, Cavite.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa katawan si Bum Park Chan, ng Ayala, Alabang habang tatlong tama ng bala ang natamo ni Lawel Mirandilla, driver, ng Las Piñas.

Ayon kay P/Chief Inspector Milagros Sanchez, hepe ng Cavite PNP Public Information Office (PIO), sakay ang mag-amo ng Toyota Fortuner (ZGK-867) dakong 5:45 ng umaga ng Linggo at binabagtas ang Brgy. Malagasang II-D, nang bigla na lang pagbabarilin ng mga suspek bago mabilis na tumakas.

Sinabi pa ni Cavite police director Sr. Supt. Danilo Maligalig, na maglalaro sana ng golf ang Koreano sa General Trias at galing sa bahay nito sa Ayala, Alabang nang maganap ang pamamaril.

Labing-apat na basyo ng bala ng kalibre 45 na baril ang narekober sa crime scene. Gaynor Bonilla

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply