Kulambo ikinalat sa Rizal kontra Malaria, Dengue

NAMAHAGI ang lokal na pamahalaan ng Rodriguez, Rizal ng mga kulambo upang malabanan ang paglala ng sakit na Malaria at Dengue sa mga residente ng naturang bayan.

Kabilang sa mga nabahaginang lugar ay ang mga Brgy.Macabud,San Isidro, San Rafael, Mascap at Puray  kung saan 3,285 na mga kulambo(MOSQUITO NET) ang naipamahagi.

Ayon kay Rodriguez Mayor Cecilio “ELYONG”Hernandez , ang kanilang ipinamahaging kulambo ay ipinagkaloob ng Global Fund Malari sa pamamagitan ng Pilipinas Shell Foundation Inc.na pinangunahan ni Mr.Gary Aliggayu, tumatayong Project Officer ng PSFI at ng Department Of Health.

Sa ngayon ay may 48 kumpirmadong maysakit na Malaria at 387 kaso ng sakit na Dengue sa Rodriguez.  Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply