Kumpanya ng magulang ni Hayden Kho, kinasuhan ng SSS

SINAMPAHAN ng kaso ng paglabag sa Social Security Act of 1997 ang isang kumpanyang pagmamay-ari ng mga magulang ni Hayden Kho dahil nabigo umano itong magbayad ng P2.14 milyong employees’ remittance sa Social Security System (SSS).

Isinampa ng SSS ang kaso laban sa Holy Facial Corporation sa Quezon City Regional Trial Court. Kabilang sa mga nakasuhan ay ang mga magulang ni Kho na si Hayden Sr. at Irene Kho at anim pang opisyal ng kumpanya.

Ayon kay Catalina Crystal, account officer ng branch ng SSS sa Marikina City, ang di nabayarang remittance ay mula Marso 1994 hanggang Oktubre 2010.

Pinadalhan na umano ng SSS ng notice ang kumpanya upang magbayad sa obligasyon nito ngunit di ito tumalima sa utos ng ahensiya. Robert Ticzon

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply