Kuryente ng pulisya, ipasasagot sa publiko

PLANONG ipasagot ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko ang konsumo ng kuryente ng ng Manila Electric Company (MERALCO) sa bawat istasyon ng pulisya sa Metro Manila,

Ito ang nabatid kay NCRPO Director, General Nicanor Bartolome matapos mag-courtesy visit kay Manila Mayor Alfredo Lim, dakong 9:30 ng umaga kanina.

Sa nasabing courtesy visit ay ipinaalam ng heneral na balak na ipasagot sa mga barangay  sa kanilang hurisdiksiyon ang kuryente na makukunsumo ng mga istasyon ng pulisya na sakop  ng kanilang lugar.

Dahil dito,inatasan naman ng alkalde si Bartolome na makipagpulong muna sa mga opisyal ng barangay partikular ang chairman hinggil sa nasabing usapin.

Gayundin, maaari din umanong humingi ng tulong sa mga establisiyemnto sa kanilang lugar para sa bayarin ng koryente bilang bahagi ng kanilang “corporate social responsibility.”

Kasama ni Bartolome si Manila Police District Deputy Senior Supt. Alex Gutierez ng magtungo sa tanggapan ni Lim.

Kaharap sa nabanggit na courtesy call si Secretary to the Mayor Atty. Rafaelito Garayblas at Chief of Staff at Media Bureau Chief Ric de Guzman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply