La Niña, baha, landslide hindi kayang lutasin ng Chacha

NAGHAHANDA na ang pamahalaang lokal ng Isabela laban sa La Niña., baha, lanislayd at iba pang mapanganib na bunga ng matinding pag-ulan.

Tumutugon si Gov. Faustino ‘Bojie’ Dy III sa  warning shot ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na magkakaroon ng masamang panahon ang  northern Luzon.

Para madaling maintindihan ang punto, Suki, sinasabi ng PAGASA na posibleng maranasan ng North Luzon ang nararanasan ng Kabikulan, Kabisayaan at Kamindanaoan na matinding pag-ulan.

Doon may naitalang mahigit 33 na patay sa lunod, lanislayd at sakit, mahigit 1.2 milyong nabaha at bilyon-bilyon pisong halaga ng bahay, ari-arian at kabuhayan na nasira.

Sabi ng PAGASA, maaaring ang Cagayan Valley naman ang puntiryahin ng La Niña at madadamay na ang iba pang mga lalawigan.

Kabilang lagi sa mga nadadamay na lalawigan ang Quirino, Aurora, Nueva Vizcaya, Cagayan, Kalinga, Apayao at Batanes.

Posible rin bang matamaan ang Gitnang Luzon at Ilocos?

Kung paano sinasalanta ng La Niña ang malalaking bahagi ng Kabikulan, Visayas at Mindanao ngayon, maghanda-handa na rin umano ang Timog Luzon.

In ader words, Suki, may darating na unos sa lugar.  Ito ngayon ang dahilan ng pagkilos ni Gov. Dy lalo may mga problema talaga sa ilang bayan nito gaya ng Maconacon at Divilacan na laging natatamaan ng bagyo at baha.

Ngayon, Suki, naghahanda na rin ba ang ibang gobernador sa ibang mga lalawigan tulad ni Dy?

oOo

Itong mga pulitiko sa Luzon, nakikinig ba kayo sa PAGASA?

Kung hindi, dapat na kayong makinig ngayon.

Kung bakit sinasabi natin ito, eh, dahil tila ang Charter Change ang tila pinagkakaabalahan ng marami sa inyo ngayon.

Palakas nang palakas ang boses ng mga pulitiko para sa Chacha.

At ang masama, nalulunod sa Chacha ang problema sa La Niña, baha at lanislayd na pumapatay kay Juan at sumisira sa kanyang buhay at kinabukasan sa Kabikulan, Kabisayaan at Kamindanaoan.

Maaaring malunod din sa Chacha ang interes ng mga kinauukulan sa North Luzon na maghanda laban sa La Niña, baha at lanislayd.

Ang akala ng marami sa kanila, malulutas ang masama at mapanganib na panahon sa pamamagitan ng Chacha.

Eh, nagkataon pa namang wala ring nakikitang sinasabing magandang bunga ang matuwid na daan ng gobyernong PNoy.

Paano na lang ang buhay ni Juan kung magsanib ang Chacha at kainutilan ni P-Noy na solbahin ang masama niyang kalagayan?

oOo

Nasaan nga ngayon ang mga pulitiko?

Kung nakikinig ang mga ito sa warning shot ng PAGASA, mayroon  ba silang kaukulang paghahanda?

Wataymen, para kay Juan, dahil karaniwang sarili lang ang pinaghahandaan ng mga ito sa oras ng unos.

Tingnan ninyo, wala pa tayong nakikitang  senador, kongresman, mayor, at Pangulo lalo na, na nalulunod at nawawalan ng kinabukasan.

Pustahan pa tayo, Suki! Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply