Ladies crown sinikwat ni Ikeda

SAPAT na ang ipinakita ni Chihiro Ikeda para durugin ang Pinay na si Dottie Ardina at si Juruporn Ayutthaya ng Thailand.

Nakuha niya ang kanyang second title sa loob ng apat na taon sa Philippine Ladies Amateur Open Golf Championship sa The Country Club Canlubang, Laguna.

Si Ikeda ay nagtala ng malinis na two-under-par 70 para bumaybay tungo sa 211 total at magmarka ng six-stroke victory laban kay Ardina.

Nabatid na si Ardina ay nakadale ng dikit na 75 para sa 218, ang score na hindi replektibo sa inaasahang thriller in the final round sa 54-hole event na inorganisa ng Women’s Golf Association of the Philippines (WGAP).

Ang Filipina-Japanese ay nakadale ng one-shot advantage makaraan ang second round.

Tinangka naman ni Ardina na madikit ang kalaban sa may dugo ring Pinoy subalit nagtala si Ikeda nang walang kahirap-hirap na birdie sa No. 10 na siyang turning point ng match.

“It was only at that hole where I heaved a sigh of relief. Before that, I was nervous, too,” pahayag ni Ikeda. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply