‘Lady bus drivers’, suportado ng LTFRB

SINUPORTAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panukala ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na gawing mga babae na lamang ang driver ng mga pampasaherong bus upang makaiwas sa aksidente.

Ayon kay LTFRB Chairman Nelson Laluces, hindi niya hahadlangan ang panukala ng MMDA lalo’t makabubuti ito sa sitwasyon ngunit depende pa rin umano ito sa mga bus operator dahil hindi naman kasama sa requirements na dapat munang kumuha ng babaing bus driver para makakuha ng prangkisa kaya hindi sila maaaring obligahin.

Kumbinsido naman si Laluces na mas maingat sa pagmamaneho ang mga babae.

Samantala, naniniwala ang Automotive Association of the Philippines (AAP) na hindi ang pagkakaroon ng mga babaing driver ang sagot sa dumaraming mga aksidente sa daan.

Batay sa panayam ng dzMM kay AAP President Gus Lagman, bagama’t maganda ring subukan ang mga babaing driver lalo’t mas maingat, hindi ito ang solusyon sa mga aksidente sa daan.

Kaugnay nito,  sinabi ni Lagman na mas higpitan ang isinasagawang testing sa mga professional driver tulad ng mga bus driver, ambulance driver, school bus driver at iba pa dahil mas delikado ang dala nilang mga sasakyan. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply