Lady drivers, ‘wag maliitin —MMDA

“WAG  maliitin ang kakayahan ng lady drivers!”

Ito ang mariing sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa transport groups makaraang maging negatibo ang pagtanggap ng ilan sa kanila ayon na rin sa suhestiyon ng ahensya.

“We should not underestimate what women can do. Provided with sufficient training, they can easily handle these city buses,” pagtatanggol ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa mga babaeng driver.

Tinukoy pa nito ang ilang babaeng driver na nagtatagumpay sa ilang “international motor sports competitions” tulad nina Gaby dela Merced, Formula 3 race car driver at Michelle Marie Bumgarner, nagwagi sa Tag Seniors Crown kart racing sa Illinois Grand Prix noong 2008.

Idinagdag pa ng opisyal na marami naman sa mga bagong bus ngayon ang may power steering para sa madaling pagmamaneho kaya maaaring makayanan ng mga babae ang pamamasada.

Bukod pa rito ang pagiging mahinahon at maingat sa pagmamaneho ng mga babae na tiyak makaiiwas sa operators sa pagbabayad ng multa para sa traffic violations.

Sa datos ng MMDA, nasa 260 lalaking driver ang nasangkot sa nakamamatay na aksidente noong nakaraang taon habang nasa 60 insidente lamang ang sangkot sa mga babaeng driver.

Maaari rin umanong sumailalim pa sa dagdag na pagsasanay ang babaeng drivers sa ibibigay na libreng training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply