‘Lagayan’ sa district inspectorate ng MPD

SILIPIN natin itong tanggapan na District Inspectorate’s Office na pinamumunuan ni C/Insp. Pecayo na matagal nang problema ng kapulisan ng Manila Police District dahil sa katakot-takot na ‘lagayan.’

Basahin natin ang reklamo ng kapulisan.

Kuya Johnny, gud morning. Ilalapit ko lang ang matagal nang problema naming mga pulis sa MPD.

Paki-check naman itong si PCI  R. Pecayo, hepe ng District Inspectorate’s Office under ng office ni DD Gen. Roberto Rongavilla.

Madalas kaming karguhan sa PCES kahit hindi kami dapat mag-explain kasi nagbibigay naman kami kay PCI Pecayo  ng P150 kada  pulis kung may detail  o rally sa Mendiola o U.S Embassy.

Kung sa bawat station ay makakukuha siya ng 20 pulis na nakatimbre sa kanya, mayron siyang P3000 kada station. Eh 11 station ang MPD, bale mayroon siyang P33,000. Eh mayroong DFFU at HQ pa.

Alam kaya ni Gen. Rongavilla ito? Ang sabi ni Pecayo, hindi siya pwedeng gibain sa office niya dahil ang nagpuwesto sa kanya, eh, si ret. Col. Caloy Baltazar. Pakitanong lang kay Tata Caloy B., kung alam niya yung ginagawa ni Pecayo na magpahirap sa tulad naming matitinong pulis na pumaparehas sa duty. Mabuhay ka, Kuya Johnny M.

BOOKIES NG STL PADER SA LAGUNA

Sa lalawigan ng Laguna, kahit ilang beses nating ibalandra sa espasyong ito ang talamak na operation ng bookies ng STL  dito ay walang aksyon si Laguna PD Supt. Gilbert Cruz,  maging si R-4RD Gen. Samuel Pagdilao.

Kaya hayun, sa halip na dalawang bayan lang ang lawak ng operation ng bookies ng STL nina Vic Siman at Dante Alvarez ay buong lalawigan na ng Laguna ang sakop nito.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply