Lakers inupakan ng Mavs

TUMIPA si Jason Kidd ng season-high 21 points habang solidong scoring naman ang inilatag nina Jason Terry at Shawn Marion sa ginawang pagdurog ng Dallas Mavericks sa Los Angeles Lakers 109-100 kahapon.

Kaya naman, dahil sa panalong ito, nawakasan ng Dallas ang pangit nitong six-game losing streak.

Si Carmelo Anthony naman ang nanguna sa Denver Nuggets sa panalo nito laban sa Oklahoma City Thunder 112-107 habang humataw ang mahika ng Orlando Magic sa late rally nito laban sa Philadelphia Sixers 99-98 sa overtime ng kanilang bakbakan.

Ang walang kalaban-labang Cleveland Cavaliers naman ay walang habag na pinitpit ng Phoenix Suns sa iskor na 106-98 habang giniba ng New Orleans Hornets ang Memphis Grizzlies 103-102 sa overtime.

Binuhat naman ni DeJuan Blair ang San Antonio Spurs tungo sa 7th straight win nito laban sa Toronto Raptors at pinukpok ng Boston Celtics ang Detroit Pistons 86-82 na nagbigay sa Boston ng 4th straight win nito na nangyari sa kanila mismong home court.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply