Lalahok sa Pista ng Nazareno magdala ng kendi para iwas hilo– PNRC

PINAYUHAN ng Philippine National Red Cross (PNRC) at ng Department of Health (DOH) ang mga debotong makikiisa sa idaraos na prusisyon sa Black Nazarene   na magbaon ng tubig ‘kendi at payong upang makaiwas sa pagkahilo.

Ayon kay  PNRC secretary-general Gwendolyn Pang ,ang kendi  ay makatutulong  na panlaban sa hilo at gutom sa oras na mabilad ang mga deboto sa matinding sikat ng araw.

“It is important to take candy as a first aid of sorts. Usually when our sugar levels go down, we get dizzy. The sugar in hard candy can quickly break down for the body to use,” ani Pang.

Pinayuhan din nito ang mga deboto na huwag magyapak dahil sa posibilidad na makaapak ang mga ito ng matutulis na bagay habang nagpu-prusisyon.
“Ang footwear protection iyan sa paa. Ang importante dapat kumportable tayo,” aniya pa.

Ayon naman kay Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), dapat na magdala ng tubig at payong ang mga debotong sasama sa prusisyon at magsuot na lamang ng damit na komportable sa kanilang katawan.

Umapela naman si Health Secretary Enrique Ona na huwag nang isama ang mga bata, matatanda at mga may sakit sa prusisyon upang maiiwas ang mga ito sa aksidente.

Nagbabala ang Kalihim na maliban sa pagkasugat dahil sa siksikan, maaari ring mambiktima ang heat stroke, dahil kakailanganing manatili ng ilang oras sa ilalim ng init ng araw ng mga deboto, na sasama sa prusisyon, na kalimitang inaabot ng maghapon hanggang gabi bago pa makaabot sa Quiapo Church dahil sa rami ng tao.

Nagpakalat naman  ang  PNRC ng may 750 personnel na may tatlong shift na aantabay para sa aktibidad, partikular na sa prusisyon ngayong araw.

Isinailalim na rin ng DOH sa code white alert ang ilang pagamutan sa Maynila para matiyak na handa ang mga ito sakaling may mga deboto na masaktan o mahilo sa pagdiriwang ng ika-404 taong kapistahan ng Poong Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply