Lalaking nasunog sa van, hindi si Dulay

HINDI si Levi Dulay ang kasamang nasunog sa kanyang nagliyab na sport utility vehicle sa Caloocan City kamakailan.

Nabatid sa pulisya na isang nagngangalang Chua ang bangkay na kasamang nasunog sa Mitsubishi Adventure (WLV-586) noong January 16, 2011 sa C-3 rd., nasabing lungsod.

Lumalabas na si Chua ay kaibigan ng naunang napaulat na biktima na si Levi Dulay, 45 ng 10th st., may-ari ng nagliyab na SUV.

Nakita si Dulay na buhay at nasa La Union kung saan kasalukuyan nang pinaghahanap upang matukoy ang tunay na nangyari sa insidente.

Ayon sa pulisya, may malaking insurance si Dulay na maaari nitong makubra sa oras na mamatay kung kaya nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis upang makita si Dulay. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply