Las Pinas City-LGU dedma sa pagbibigay tulong sa PNP

KINONDENA ng Las Pinas City-Philippine National Police (PNP)  ang lokal na pamahalaan dahil sa kawalan ng sapat na tulong sa kakulangan ng kagamitan sa komunikasyon na nagiging dahilan ng patuloy na paglala ng krimen sa lungsod.

Mismong ang pinakamahalagang tanggapan ng Las Pinas Police, ang Station Investigation and Detective Management Section na humahawak at nag-iimbestiga sa lahat ng uri ng mga nangyayaring krimen sa lungsod at iba pang Police Community Precint (PCP)  ay halos isang taon ng walang telepono na nagiging dahilan ng
pagka-antala ng pagresponde ng mga pulis sa sunod-sunod na nangyayaring krimen.

Napagalaman na ilang ulit ng napalitan ang chief of police ng naturang lungsod sanhi ng lumalalang krimen subalit hindi pa rin nagawan ng lokal na pamahalaan na mapalagyan ng telepono ang naturang tanggapan na ilang ulit ng inireklamo ng nakatalaga ritong kapulisan.

Ayon sa isa sa mga imbestigador, kakulangan ng sapat na pondo ang dahilan kaya’t halos isang taon na silang walang telepono gayung inilapit na nila ang problema, hindi lamang kay Mayor Vergel “Nene” Aguilar kundi sa mismong pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Nagtataka rin ang mga pulis kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang distrito sa lungsod na sumasakop sa kabuuang 20-barangay ay mistulang hindi man lamang napagtutuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan na pondohan man lamang ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon na isa sa pinakamahalagang sangkap upang  mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa siyudad.

Sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang distrito, isa lamang ang kinatawan ng naturang lungsod sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na kinakatawan ng iisang pamilya mula noong taong 1992.

Nauna rito si dating Senate President Manuel Villar na  naging kongresista hanggang 2001 na sinundan ng kanyang asawang si Cynthia Villar na naupo mula noong 2001 hanggang 2010 at ngayon ay inookupa naman ng kanilang anak
na si Mark na mauupo hanggang taong 2013.

Sa kabila nito, nagtataka ang mga pulis kung bakit hindi man lamang napagtuunan ng pansin ng pamilya Villar ang pagkakaloob ng maayos na komunikasyon ng kapulisan sa kabila ng pagiging bantog ng pamilya na isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply