Libelo sa internet isinulong

ISINULONG ng isang kongresista na amiyendahan ang batas ukol sa libelo upang isama na rito ang paninira, pagmumura, at masasamang komento sa mga social networking sites at internet blogs.

Binigyang diin ni Marikina Rep. Marcelino Teodoro na dahil sa lawak ng internet users sa Pilipinas ay kailangan na aniyang masakop ito ng Revised Penal Code ukol sa libelo dahil sa samu’t saring masasama, nakakasira at bastos na ipino-post ng mga abusadong bloggers.

Sa ngayon, ang libelo ay epektibo lamang sa  sulat, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition cinematographic exhibition at iba pang katulad.

Binanggit ni Teodoro sa House Bill 3493 na batay sa Internet World Stats, ang Pilipinas ay may 30 milyong internet users o 29 na porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa.

Dahil aniya sa social networking ay makikita ang common interests ng mga internet users magmula sa mga hobbies, relihiyon  at politika kung kaya hindi maiiwasan ang pagkokomento, pagbibigay ng opinyon at minsan ay maling impormasyon at paninirang puri.

“While the existing provisions of the law on the matter maybe considered sufficient in fling cases of libel made through the internet, many supposed offenders can still argue that the criminal character of the act (making of defamatory posts and blogs) would require a more certain and unambiguous definition so they can be rightfully charge of a crime under Article 355,’ ayon pa sa panukala. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply