Life sa papatay ng media

HABAMBUHAY na pagkakakulong ang parusang inaprubahan ng Senado hinggil sa panukalang gawing murder ang lahat ng kasong pagpatay sa sinumang miyembro ng media habang ginaganap ang kanyang tungkulin.

Ito ang inihayag kanina ni Escudero matapos magpahatid ng pakikiramay sa pamilya ni Dr. Gerry Ortega na piñaslang kamakailan sa Puerto Prinsesa.

Ayon kay Escudero, malapit nang matapos ang deliberasyon sa panukala nina Sens. Jinggoy Estrada at Loren Legarda  na naglalayong gawing murder ang lahat ng kasong pagpatay sa sinumang miyembro ng media.

Sinabi pa ni Escudero na nagkasundo ang miyembro ng komite na gawing life imprisonment o reclusion perpetua ang parusang ipapataw sa sinumang mapatutunayang pumatay ng sinumang miyembro ng media habang ginagampanan nito ang kanyang tungkulin.

“Reclusion perpetua, oo,” ayon kay Escudero.

Aniya, malapit nang maisabatas ang naturang panukala ngunit may ilang paglilinaw pang gagawin ang Senado bago aprubahan ang batas dahil kailangan linawin ang ilang probisyon nito upang hindi maging “patay” na batas tulad ng Anti-Terrorism Act. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply