Live coverage sa Maguindanao massacre trial, iginiit sa Senado

SINUPORTAHAN ng isang senador ang panawagan na magkaroon ng live coverage sa madugong Maguindanao massacre na ikinamatay ng 31 mamamahayag upang matiyak na parehas ang paglilitis at mapabilis ang katarungan sa mga biktima.

Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, dapat payagan ang live coverage sa paglilitis kay Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr., bilang suporta sa karapatan ng mamamayan sa impormasyon at mapanood ng mga biktima sa Mindanao ang deliberasyon nang hindi sila gumagastos papunta sa Maynila.

Idinagdag ng senador na hindi tulad ng jury system na maaaring maimpluwensiyahan sila sa live coverage at ulat ng media, may sapat na safeguards ang ating judicial system upang maiwasan ang hukom na maimpluwensiyahan ng media reports.

Sinabi ni Cayetano, pangunahing isponsor at awtor ng Freedom of Information (FOI) Bill sa 14th Congress, na matitiyak na maihahatid ng live coverage ang patas na paglilitis ng korte sa Maguindanao massacre at maipakita sa mamamayan kung paano inihahatid ang katarungan sa ating bansa.

iginiit pa ni Cayetano na maaaring magtakda ng alituntunin ang Supreme Court sa live coverage ng paglilitis sa korte upang matiyak na mabibigyan ng proteksiyon at maigagalang ang karapatan ng lahat ng partido.

Kasabay nito, muling hiniling ni Cayetano sa kasamahan sa dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa kaagad ang FOI Bill upang matiyak ang transparency at accountability sa pamamahala sa pamamagitan ng payagan ang media at publiko na makita ang kalagayan ng estado na may kaugnayan at makakaapekto sa mamamayan kabilang ang coverage sa paglilitis sa mga korte. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply