Lolang deboto ng Nazareno, tepok sa sagasa

PATAY ang isang lolang deboto,matapos masagi ng isang pampasaherong jeep kaninang umaga lamang sa Tondo Maynila.

Base sa impormasyon nakalap, ang biktimang si  Cunigonda Mejia, 72, ng 1697 LRC Compound,Sta.Cruz,Maynila ng pampasaherong jeep na may plakang NYW-761 dakong alas-5:30 ng umaga sa tapat ng Isetann Department Store sa may Claro M. Recto,Sta.Cruz, Maynila.

Ayon kay SPO4 Omar Mabborang ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, isinakay diumano ng nakabanggang driver ang biktima upang dalhin sa ospital. Subalit ilang oras ang nakalipas, natagpuan ang katawan ni Mejia sa ilalim ng Muelle del Rio Eliptical Road Delpan bridge, Tondo alas 8 ng umaga at wala ng buhay

Ayon sa anak ng biktimang si Marissa, umalis umano sa kanilang bahay ang kanyang ina para magsimba sa Quiapo dahil isa itong deboto ng Black Nazarene.

Nang malaman ang nangyari sa ina,inisa-isa umano nito ang mga ospital sa Maynila hanggang sa may nagbalita na may matandang patay na natagpuan sa ilalim ng Delpan Bridge. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply