Lolo kinaladkad ng trak, lasog-lasog

LASOG-LASOG ang katawan ng isang 80-anyos na lalaki, makaraang umilalim at kaladkarin ng trak na may kargang mga bakal sa Quezon City.

Dead on the spot  ang biktimang si  Teresito Valdez, ng  Marvix Drive, Brgy. Balingasa.

Sa ulat ng Sector Traffic 1 ng QCPD,  ang insidente ay naganap pasado 11:00, Lunes ng umaga sa A. Bonifacio Avenue South Bound cor, Marviz Drive U-turn, Brgy. Balingasa.

Ayon kay Chief Insp.  Rey Medina, hepe ng Sector 1 ng  QCPD, tumawid umano ang biktima sa nasabing lugar nang pagsapit sa gitna ay nahagip ng truck (UAV-974)  na minamaneho ni Edgar Bulay, 41.

Sa salaysay ng driver, urong-sulong umano ang biktima sa pagtawid dahilan kaya nahagip niya.

Durog ang dalawang paa  ni Valdez, habang halos mapisak naman ang ulo nito.

Agad namang naaresto ang suspek na pasamantalang nakapiit sa nasabing himpilan ng trapiko. James de Jesus/Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply