Lolo napagod sa sex, natigok

NAMATAY ang isang lolo, dahil sa non-stop stop sexual intercourse sa kanyang live-in partner kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Patay na nang idating sa San Juan de Dios hospital ang biktimang si Manolito Nieva, 54, second hand used lumber dealer, ng DM apartment Green Breeze subdivision, Brgy. Biclatan Gen. Trias Cavite.

Batay sa imbestigasyon nina PO3 Simon Respicio at PO2 Dennis Desalisa, ng Station Investigation Management Section (SIDMS), dakong 10:05 Lunes ng gabi, ang biktima at ang kanyang live-in partner na si Jennifer Garcia, 27, negosyante, ay nag-check-in sa room 60 ngisang hotel, sa kanto ng Aurora Avenue at EDSA, Pasay City.

Bago  makipagtalik, ang biktima ay uminom ng isang 500mg kapsula  at makalipas ang ilang minuto, sinimulan ng mag-live-in ang walang humpay na pagtatalik.

Bandang 2:15 kaninang madaling araw, nang bumaba ang libido ng biktima, nagpasya itong magpahinga at kumain ng kanilang ibinaong sandwich.

Nagulat na lamang ang live-in partner nito nang biglang nawalan ng malay ang biktima at bumulagta sa kama kaya humingi na ng tulong si Jennifer sa front desk ng hotel at dalawang room boy.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival na hinihinalang namatay dahil sa atake sa puso.

Gayuman, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung may iba pang dahilan kaugnay sa pagkamatay sa biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply