Lolo, todas sa magkakamag-anak

PATAY ang isang lolo nang pagtulungang tagain ng tatlong lalaking magkakamag-anak sa Brgy. Anonang, Mulanay, Quezon, iniulat Lunes ng hapon.

Dead-on-the-spot si Manuel Ferrer Tagle, alyas Ben, 70, nang pagtatagain ng mga suspek na Dante Amotan Mendoza, 41; Dan Rey Tizon Mendoza, 19 at Joel Amotan Mendoza, 34, mga magsasaka at pawang residente ng Brgy. Burgos, Mulanay, Quezon.

Sa ulat, dakong 10 ng umaga nitong Linggo habang nagha-harvest ng niyog ang biktima nang dumating ang mga suspek na armado ng mga bolo at sinabing “tapusin na natin yan dito.”

Nauwi sa duwelo ang pagsugod ng mga suspek kung saan nakataga pa ang biktima kay Dante na tinamaan sa ulo, habang sa siko naman si Dan pero mas matindi ang naging tama sa biktima na agad niyang ikinamatay.

Nabatid na matagal nang away sa lupa ang dahilan ng krimen. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply