Lozano humingi na ng tulong sa DoJ

NAKATAKDANG magpulong ngayong Martes ng hapon sina Marcos lawyer Oliver Lozano at Justice Sec. Leila de Lima upang pag-usapan ang kaso ng kanyang anak na dinukot at pinaslang.

Ayon sa panayam kay de Lima sa dzBB, humingi na ng tulong si Lozano sa  National Bureau of Investigation sa ikareresolba ng kaso ng kanyang anak na si Emerson.

“He (Lozano) contaced my office seeking an appointment. I also advised the NBI, because I understand he seeks the assistance of the NBI in the investigation in the murder of his son,” ayon kay de Lima.

Si Emerson Lozano, 44, at ang  driver na si  Ernani Sensil ay huling nakitang buhay noong Enero 12, Miyerkules, habang nakikipag-meeting  sa isang prospective buyer ng Kia van sa Quezon City.

Nakita ang katawan ni Sensil’s noong Huwebes sa Tarlac habang ang bangkay naman ni Emerson ay natagpuan ng Biyernes sa Pampanga.

Kinumpirma naman ni  PNP Director General Raul Bacalzo kay Lozano na susubukan ng pulisya na maresolba ang kaso ngayong linggo.

“Bacalzo sought me out Monday night to give me a confidential briefing. The assessment is that the case may be solved within a week due to the cooperation of the public and the work of the police and the National Bureau of Investigation.”

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagtamo ng tama ng bala ng baril sina Emerson at Sensil sa batok. Ikinamatay ng batang Lozano ang tama ng bala sa kanyang batok na lumabas sa kanyang kaliwang pisngi.  Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply