Lozano sasagutin ang pagpapalibing kay Sensil

SASAGUTIN ng pamilya ni Marcos lawyer Oliver Lozano ang gastos sa pagpapalibing  kay Ernani Sensil, kasamang brutal na pinaslang ni Emerson sa carjacking incident noong nakaraang linggo.

Batay sa report ng dzBB, nangako ang pamilya Lozano na tutulong sa mga kaanak ni Sensil sa pagpapalibing dito na nakatakdang ihatid sa huling hantungan sa Sabado.

Nakalagak ang labi ni Sensil sa Signal Village, Taguig City. Naulila ni Sensil  ang kanyang asawa at tatlong babaing anak.

Nakatakdang ilibing sa Sabado sa Loyola Memorial Park ang naturang driver.

Si Sensil, 34,  ay pinaslang kasama ang nakababatang Lozano na si Emerson, 44 makaraang mapabalitang nawawala ang dalawa noong Enero 12 sa Quezon City. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply