LPG bababa ang presyo sa Pebrero

BABABA na ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) na nagtaas noong Disyembre, nakaraang taon, matapos na magtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang oil companies kamakailan.

Ayon kay ni LPG Marketers Association President Arnel Ty, simula sa buwan ng Pebrero inaasahan na ang serye ng rollback sa presyo ng cooking gas.
Sa darating na linggo, ayon kay Ty, malalaman kung kailan mararamdaman ang pagbaba ng naturang produkto.

Magkakaroon ng rollback sa presyo ng LPG bunsod na rin sa pagbaba ng contract price ng LPG sa world market. Ang LPGMA ang nagbebenta ng M-Gas, Pinnacle Gas, Oracle Gas, Nation Gas at Island Gas na kasalukuyang nabibili ng P680 hanggang P720 kada tangke.

Magugunitang una nang nagpatupad ng 40 sentimos kada kilong rollback sa presyo ng kanilang LPG ang Pilipinas Shell noong pagpasok ng Bagong Taon.

Samantala pinagpapaliwanag naman ng Federation of Philippine Industries (OFPI) ang Liquefied Petroleum Gas Marketing Association (LPGMA) kaugnay sa hinaharap nitong kasong Kartel.

Ang kaso ay bunsod umano ng paglabag nito sa probisyon ng Republic Act 8479 na nagtatakda ng patas na kompetisyon sa industriya ng langis upang maiwasan ang kartel at monopoliya.

Kaugnay nito, hindi rin umano sinipot ng LPGMA ang kauna-unahang pagdinig sa isinampa sa Department of Justice (DoJ).

Binigyan na lamang ng DoJ ang LPGMA hanggang Enero 26, upang magpaliwanag sa hindi nito pagsipot sa nabanggit na pagdinig. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply