Lucio Tan, pinakakasuhan sa Eton Residences tragedy

Nanawagan kahapon si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa awtoridad partikular sa Department of Labor and Employment (DOLE)  na magsagawa ng kumpletong imbestigasyon sa insidente at matukoy ang pananagutan ni Lucio Tan, may-ari ng Eton Residences sa pagbibigay ng pangkaligtasan sa kanilang manggagawa.

Ayon kay Estrada, mangangailangan nang masusing pagbabalasa sa Occupational Safety Standards ng bansa, partikular sa mga constructions site kabilang ang sistema ng inspeksiyon at pagpapatupad ng batas sa harap nang pagkamatay ng 10 manggagawa matapos mahulog mula sa ika-28 palapag ng Eton Residences sa Makati.

“I am calling on the authorities, especially the Department of Labor and Employment (DoLE), to conduct a complete investigation of the incident and determine the possible liabilities of the contractor and the owners of ETON in providing safety for their workforce,” ayon kay Estrada.

Nitong Huwebes, 10 manggagawa ang namatay matapos bumigay at mahulog mula sa ika-28 palapag ang scalfolding na kanilang tinutungtungan habang nagkakabit ng glass panels sa condominium.

Sa inisyal na ulat, dalawa hanggang tatlo katao lamang ang kayang pasanin ng tinutungtungan nilang gondola kaya’t nakikitang overloading ang sanhi ng pagkapigtas ng kable o pagkasira ng motor.

“But more than this particular investigation, we need a comprehensive  review, re-study and improvement of the system itself on the implementation of safety measures in work places, especially in construction sites, considered as a hazardous sector to work in because workers here are always faced with great risks to their life and limbs,” dagdag niya.

Ipapatawag naman nito ang lahat ng iba’t ibang labor groups sa bansa upang rebyuhin ang Department Order No. 57-04 ng DoLE na pinapayagan ang mga kompanya na may mahigit 200 manggagawa na magsagawa ng “self-assessment” bilang pagtupad sa pamantayan sa paggawa. Ernie Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply