Luho ni PNoy, sampal sa kawawang mahihirap

ISANG malaking sampal sa naghihirap na sambayanan ang pagbili at pagmamaneho ni Presidente Aquino ng mamahaling kotse gaya ng porsche.

Binigyang diin ni Minority Leader Edcel Lagman na hindi dapat magpakita ng pagiging maluho ng isang lider ng bansa kung ang ibinabalik sa publiko ay sunud-sunod na pagtaas sa pamasahe, presyo ng langis, napipintong pagtaas sa singil ng kuryente at mga pangunahing bilihin.

Kasabay nito ay ipinagtanggol ni Lagman ang ilang mambabatas na posibleng nagmamay-ari ng mga luxury vehicles sa pagsasabing “i am not aware of members of the House of Representatives who are owning a luxury cars, but they are not the president.  The president should set that example for the entire country.”

Aminado naman si Deputy Minority Leader Danilo Suarez na may ilang mambabatas ang may mamahaling kotse subalit meron din aniyang mga Senador at miyembro ng gabinete.

Sinabi naman ni Asst. Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay na kung pagbubutihin lamang ni PNoy ang pamumuno sa bansa ay hindi na sana pagtutuunan ng pansin ng publiko ang porsche nito.

Lantad aniya ang kaluhuan sa porsche na ito na aniya’y “blatant irony despite the problems that country faces.”

Si Pangulong Aquino ay naunang bumili ng porsche sa halagang P4.5 milyon kapalit ng lupa nitong BMW car. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply