Mag-ingat sa wet season disease– DOH

PINAG-IINGAT ng  Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga tinaguriang “wet season diseases” kasunod ng anunsiyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magkakaroon ng isang “wet summer” sa bansa dahil sa La Niña.

Nabatid kay DOH chief epidemiologist Dr. Eric Tayag, marami pa rin umanong naitatalang kaso ng mga wet season diseases kahit na panahon na ng tag-init o summer.

Ang ilang sa mga karaniwang sakit na dumadapo sa ganitong mga panahon ay ang  dengue fever, diarrhea, leptospirosis, at iba’t ibang pulmonary diseases.

Ayon pa kay Tayag, inaasahan namang dadami pa ang kaso ng mga naturang sakit kapag magiging maulan sa bansa kahit panahon ng tag-init lalo na kapag hindi magiging maingat ang publiko.

Bukod sa nasabing mga sakit ,tiniyak naman ng DOH official na , tinututukan din aniya ng kagawaran ang outbreak ng tigdas na madalas tumama sa mga kabataan.

Kaugnay nito, sinabi ni Tayag na sa simula pa lang ng taon ay agad nilang sinimulan ang kanilang anti-dengue campaign.

Minu-monitor na sa ngayon ng DOH ang eastern part ng bansa lalo’t hanggang ngayon ay patuloy na nakararanas ang mga residente dito ng pag-ulan at pagbaha. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply