Mag-live in tiklo sa ninakaw na credit card

ARESTADO ang mag-live-in partner na miyembro ng “Salisi Gang” matapos muling gamitin sa pamimili ang creadit card na kanilang ninakaw sa isang doktora, sa Quezon City, iniulat Huwebes.

Kinilala ni Captain Roldante Sarmiento ng Quezon City Police Station 5 ang dalawang suspek na sina Jayson Loui Ang at Andrea Dumanlag, kapwa ng Brgy. Sta Lucia Fairview, Quezon City.

Nakulimbat ng dalawang suspek ang creadit card na ginamit sa pamimili sa SM mall Fairview mula kay Dra. Abriego na asawa ni Mr. Astrid Abriego na tumatayong complainant laban sa mag live-in partner.

Nabatid na minsan nang nagamit ng dalawa ang nasabing credit card sa SM mall kung saan ay nakalusot sila sa pamimili, sa kadahilanang hindi pa batid ng tunay na may-ari na nawawala ang kanyang credit  card.

Nang matuklasan ni Dra. Abriego na may gumagamit ng kanyang creadit card, agad nitong ipinagbigay alam sa pulisya ang pangyayari at sa pamunuan ng RCBC Bank upang pansamantalang itigil ang transaksyon sa nawawalang credit card.

Mabilis ding nagsagawa ng monitoring operation ang mga kagawad ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa magkasintahang suspek.

Sa report ni PO2 Mar Bangayan, 9:00 ng gabi kamakalawa nang masakote ang mga suspek sa loob ng SM Mall Fairview, Quezon City.

Tinangka ng mga suspek na muling gamitin ang creadit card sa kanilang operasyon subalit nabigo nang lumabas ang resulta na naka-hold sa RCBC ang card at matagal nang nawawala.

Dahil dito, agad ipinatawag ng teller ang mga security ng nasabing mall at ipinaaresto ang dalawa.

Sa himpilan ng pulisya, positibong itinuro ni Dra. Abriego ang dalawang suspek na responsable sa pagkawala ng kanyang credit card. James de Jesus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply