Magkapatid na Younghusband bibitiw sa Azkals?

NANGANGAMBA ang Philippine Football Team na Azkals na humina ang kanilang team kapag tinanggap ng kanilang star player na magkapatid na Younghusband ang alok ng Indonesia na kuhanin sila bilang professional football player.

Ayon sa Azkals, malaki ang ihihina nila kapag nawala ang magkapatid na manlalaro dahil sila ang nagdadala sa team kung saan kuminang ang kanilang husay ng lumaban ang Azkals sa AFF Suzuki Cup.

Umaasa ang team na tatanggihan ng magkapatid ang alok ng Indonesia na maglaro doon ang dalawa bilang professional football players.

Kinumpirma ni Franco Lorenzo, assistant team manager ng Philippine national football team na nakipag-usap si James at Phil Younghusband sa mga opisyal ng Indonesian football club Jakarta 1928 na personal na pumunta sa Pilipinas upang alukin ang magkapatid na maglaro sa kanila.

Dagdag pa ni Lorenzo na alanganing tanggapin ng magkapatid ang alok na ito dahil baka hindi na sila makapaglaro sa national team.

Ayon sa report kabilang ang Jakarta FC sa liga sa Indonesia na hindi sanctioned ng Federation Internationale de Football Association (FIFA), Asian Football Confederation at Asean Football Federation.

Ang mga football players umano na naglalaro sa nasabing liga ay hindi pinapayagan na maglaro sa anumang torneo na sactioned ng FIFA.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply