Magkapitbahay, tigok sa dwelo

NAGAWA pa ring makaganti ng isang guwardiya bago malagutan ng hininga nang mabaril ang fish vendor na unang bumaril sa kanya sa Taytay Rizal.

Kapwa namatay sina Salvador Casuco, 34, security officer at Joey Tique, fish vendor matapos magbarilan sa Sitio Igiban, Richmond, Brgy. San Isidro, Taytay.

Sa imbestigasyon, alas 9:00 ng Sabado ng gabi habang  nakikipagkuwentuhan si Casuco sa ilang kapitbahay nang dumating si Tique na armado ng sumpak at walang sabi-sabing pinaputukan ang una.

Bago tuluyang mamatay, nagawa namang gumanti ni Casuco at pinagbabaril si Tique, dahilan para kapwa sila tumimbuwang.

Lumalabas na matagal nang may alitan ang dalawa. Odessa Orpilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply