Magsaysay handang harapin ang kasong isasampa sa kanya

NAKAHANDANG harapin ni Alliance of Volunteer Educators (AVE) Partylist Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay, Jr.  ang kasong ihahain ng empleyado ng Philippine Airlines na kaniyang nakasagutan noong Disyembre maging ang reklamong ihahain nito sa House Committee on Ethics.

Sa panayam ng DZBB, inamin ng mambabatas ang kanyang naging pagkakamali at sinabing handa siyang sumailalim sa imbestigasyon ng Ethics Committee.

Nakasagutan ni Magsaysay si Sarah Bonnin-Ocampo nang hindi napagbigyan ng huli ang hiling ni Magsaysay na makatabi ang anak sa business class ng kanilang flight patungong Los Angeles, California.

“Mag-aantabay na lang ako. Ginawa ko na ang parte ko na humingi ng tawad,” ani Magsaysay. “Si Ms. Ocampo na ang bahala kung ano ang kanyang susunod na hakbang.”

Pinabulaanan naman ni Magsaysay na binantaan n’ya si Ocampo na ipatatanggal sa PAL sa kasagsagan ng kanilang komprontasyon.

“Alam ko naman ang limitasyon ko bilang public official. Alam ko na isang pribadong entity ang PAL at wala akong sinabi na ipapatanggal ko s’ya sa trabaho.” Meliza Maluntag

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply