Magtatapon at mambababoy ng patay may kulong

ANIM hanggang 12 taong kulong at multang mahigit sa P300,000 ang ipapataw sa sinomang mambababoy ng patay o magtatapon ng bangkay, kabilang ang sa mga sanggol at fetus.

Ito ang nilalaman ng House Bill 1624, na inihain ni Iloilo Rep. Augusto Syjuco.

Sinabi ni  Syjuco na kasama sa panukala ang pagtatapon ng bangkay ng sanggol o fetus, pagnanakaw ng personal na gamit tulad ng kabaong, damit at alahas na suot ng bangkay ay ikukunsiderang heinous crime.

Sa ilalim ng panukala, ang “desecration of victims” ay pagtatapon ng bangkay, tulad ng fetus o sanggol sa pampublikong lugar na ang intensyon ay abandonahin ito.

Layon nitong mapatawan ng parusa ang pagnanakaw at pambababoy sa bangkay na biktima ng natural o man-made calamities at aksidente.

Kapag ang pagnanakaw o pambababoy sa biktima na namatay sa man-made calamities, ang parusa ay 12 taong pagkakakulong at multang P100,000 -P300,000.

Kung ang ninakawan ay bangkay na namatay sa aksidente, ang parusa sa magnanakaw ay pagkakakulong ng anim na taon at multang P50,000 -P100,000.

Kasama rin sa panukala ang mga mahuhuling nasa pangangalaga ang ninakaw na gamit o organs ng bangkay.

Ituturing ding heinous crime ang pagnanakaw ng internal vital organs, illegal exhumation ng bangkay, pagbaon ng patay na walang kaukulang permits mula sa local health units.

Ipinadedeklara ring illegal acts ang paninira sa libingan at iba pang private o public burial sites. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply