Magulang na mananakit o manghihiya ng anak, may kulong

INUDYUKAN ng isang mambabatas ang Malacañang na isama ang panukalang Anti-Corporal Punishment Act sa listahan ng legislative priorities sa gaganaping meeting ng Legislative-Executive Development Advisory Council.

Sinabi ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, nakapaloob sa panukala ang pagpataw ng mabigat na parusa sa mga magulang o kaanak at guardians na mananakit sa mga bata.

Inaasahang magme-meeting ang LEDAC ngayong katapusan ng buwan.

Nakapaloob sa House Bill 1082 ang pagbabawal sa mga magulang, kaanak o guardians sa pananakit o pagpapahiya bilang paraan ng parusa sa mga bata.

Isinusulong din ng panukala ang pagpapatupad ng positibo at non-violent na pamamaraan sa pagdisiplina sa mga bata.

Kabilang sa mga parusang ipagbabawal sa panukala ay pangungurot, pamimingot, pagsabunot, pagkalbo o pagbawas ng buhok, pamamalo ng kamay o sinturon.

Bawal na ring paluhurin ang bata sa bato, asin o munggo.

Ang parusa sa mga lalabag ay pagkabilanggo at multa.

Batay sa mga pag-aaral na isinagawa ng World Health Organization, libong mga bata ang dumaranas ng sakit o sugat dahil sa corporal punishment. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply