Mahistrado sa kaso ng ABS-CBN at Willie Revillame, nagbitiw

NAG-INHIBIT ang mahistrado ng Court of Appeals sa paghawak ng kaso sa pagitan ng Television network ABS-CBN at Willie Revillame bilang pagsunod sa itinatakda sa Rules of Court na dapat magbitiw ang isang mahistrado sa hawak na kaso
kung may koneksyon o relasyon sa aumang partido.

SA 3 pahinang resolusyon na ipinalabas ng nag-inhibit na si Associate Justice Samuel Gaerlan ng Special 14th Division sinabi nito na nang malaman nyang sya ang hahawak sa kaso ay agad itong nagbitiw upang maalis ang hinalang bias dahil na rin ang asawa umano ng senior partner at counsel ng ABS-CBN ay pinsang buo nito.

Nakasaad sa Sec 1 ng Rule 137 ng Rules of Court na ipinagbabawal sa sinumang hukom o Judicial officer na humawak ng anumang kaso na mapapatunayang mayroong relasyon sa magkabilang panig hanggang sa ikaapat na degree.

Ang kaso ay may kaugnayan sa breach of contract at paglabag sa intellectual property rights na inihain ng ABS-CBN management laban sa kanilang dating talent na si Revillame matapos lumabas sa kalabang network na TV 5 kung saan mayroong kahalintulad na programa na gaya ng sa ABS-CBN.

Dahil sa pag-inhibit ni Gaerlan ay muling iraraffle ang naturang kaso. Teresa Tavares

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply