Maingay na sanggol napatay ng nanay

PATAY ang anim buwang sanggol sa kamay ng sariling ina sa, Naga City Camarines Sur.

Sa panayam kay chief of police ng MPS Garchitorena na si Insp. Van Layosa, nangyari ang insidente sa bahay ng pamilya Bermel sa Barangay 4, bayan ng Garchitorena, Camarines Sur.

Lumalabas sa imbestigasyon na may diperensiya sa pag-iisip ang ina ng biktima na si Maricris Bermel, 32.

Iyak nang iyak umano ang sanggol na si Eduardo na ikinairita ng ina kung kaya ang ginawa ng nanay ay tinakpan ang mukha ng sanggol ng unan dahilan kaya namatay ang bata.

Ang suspek ay agad inaresto ng awtoridad at nasa kalinga na ngayon Cadlan Mental Hospital.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply