Maintenance provider ng Metro Rail System ‘di na palalawigin

HINDI na palalawigin ng Department of Transportation and Communications ang kontrata ng kasalukuyang maintenance provider ng Metro Rail Systems matapos ang sunod-sunod na aberya kung saan maraming pasahero ang nasaktan sa iba’t ibang insidente.

Ayon kay DOTC Undersecretary Dante Velasco, nagpabaya ang TES Philippines, ang japanese maintenance firm na binabayaran ng pamahalaan ng $1.2 milyon taon-taon para siguruhin ang kaayusan at katatagan ng MRT systems.

Kailan lang ay biglang nagkaaberya ang preno ng MRT kung kayat naglakad ang mga pasahero sa ibabaw ng mga riles.
Bigla ring nagloko ang mga escalator kung saan marami ang nasugatan at naospital. Senyales lamang ito ng kakulangan sa preventive maintenace ng nasabing kumpanya.

Tapos na umano ang kontrata ng TES sa MRT noon pang isang taon subalit binigyan pa ito ng anim na buwang ekstensyon.
Sa Hulyo 19 ay matatapos na ito at magsisimula na ang DOTC para sa bidding na mas maaasahang maintenance provider. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply