Malakanyang tiwalang makalulusot sa CA si Brillantes

TIWALA ang Malakanyang na makalulusot sa Commission on Appointments (CA) bilang bagong Comelec chairman si Sixto Brillantes.

Ito ay makaraang magbitiw ng pahayag ang CA na dadaan sa kanilang pagbusisi ang appointment ni Brillantes.

Inihayag naman ni Brillantes na handa siyang magbitiw sa puwesto kung hindi aaprubahan ng CA.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala silang duda sa credentials at track record ni Brillantes sa larangan ng eleksyon.

Iginiit din nito na hindi nila minadali ang appointment ni Brillantes dahil kailangan nitong dumaan sa proseso.

Dagdag pa ni Lacierda, bago inanunsyo ang pagkakapili sa bagong Comelec chairman, sumailalim na si Brillantes sa interview, gayundin ang ibang mga naikonsidera sa posisyon. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply