Malaking tunnel nadiskubre sa Makati

NADISKUBRE ng mga tauhan ng Manila Water Works ang isang malaking tunnel habang naglalatag ng tubo ang mga kawani sa EDSA, Guadalupe,
Makati City, Biyernes ng umaga.

Natuklasan ang naturang tunnel habang binubutas ang kalsada sa pamamagitan ng jack hammer nang bigla itong gumuho.

Nang silipin ang gumuhong sementadong kalsada, nadiskubre ang isang tunnel na nagsusugpong sa Pasig at Fort Bonifacio, Taguig City  kung saan magkakasya ang isang malaking truck sa laki nito.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga trabahador, sinuri ni Alice Manalo ng Manila Water ang malaking butas kung may gas na nakaimbak sa tunnel.

Inaalam pa ng awtoridad kung ang naturang tunnel ay noon pang panahon ng Hapon at ginamit na taguan ng sinasabing kayamanan ni Gen. Yamasita.

Pansamantalang tinakpan ng iron plate ang natuklasan tunnel para hindi na ito makadisgrasya sa mga nagdaraang sasakyan. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply