Malala na nga ang kagutuman, ni-hike pa lalo ito ni PNoy

HINDI kaya naliligaw ng landas si PNoy?

Ano ba ang koneksyon nito sa matuwid na landas?

Nagtatanong tayo, Suki, sa harap ng mga pangyayaring lalong gumugulo sa magulo na nating utak kung ano ang mga landas na yan.

Kapain natin ang mga pangyayari.

Sari-saring hike ang regalo ni PNoy kay Juan ngayong simula ng bagong taong 2011.

Andiyan ang fare hike sa Metro Rail Transit, Light Railway Transit at Philippine National Railways.

Iba pa ang fare hike sa taksi at malamang na fare hike rin sa dyipni at bus sa mga susunod na mga araw.

Hindi naman nito sinasawata ang oil price hike, power (kuryente) hike, water hike, tinapay hike, rice hike, sugar hike, toll hike,  at iba pang hike na darating.

Malamig o bingi naman siya sa salary hike, ma-pribado man at mapa-gobyerno, na pangunahing panlaban sana ni Juan sa mga hike na pahirap sa kanya.

Alam naman ni PNoy na ang pagbebenta ng lakas paggawa ang ikinabubuhay ng nasa 37 milyong obrero pero tila wa siyang paki.

May pagkamanhid din siya sa hike ng pondo para sa mga kolehiyo at unibersidad na pampubliko at iba pang kailangan ni Juan.

Sa pagkakamit ng edukasyong pangkolehiyo higit na umaasa ng kinabukasan ang mga kabataan at ang kanilang mga pamilya pero wa paki yata si PNoy.

Hindi natin maikonek, Suki, sa matuwid na landas ang mga hike at kamanhirang ito.

Puwede pa siguro ang naliligaw na landas.

Hindi ang mga hike at kamanhiran ni PNoy ang dahilan ng pagboto sa kanya kundi ang paglaya sa mga ito, sa totoo lang.

oOo

Ang unang reaksyon ni P-Noy ay mag-iisip siya ng paraan para gumaan umano ang malaking bato na binubuo ng mga hike na ibinibitin niya sa leeg ng nakararaming lahi ni Juan na dahilan naman ng kanilang kagutuman at kahirapan.

Pero kauna-unahan sa mga sinasabi nito at ng ilan niyang mga tsuwariwap ang  dapat na pagtitiis ni Juan.

Tutal, aniya, para na rin sa kabutihan ni Juan ang lahat sa kalaunan.

Waaaat?

Pero tulungan natin si PNoy na mag-isip kung medyo nahihirapan siyang mag-isip.

Siya mismo ang nagsulong ng dambuhalang  P21 bilyong conditional cash transfer na ibibigay nito sa mga pures op da pur, di ba?

Pero paano kung magiging pures op da pur ang lahat ng mga biktima ng mga hike at kamanhiran ni P-Noy sa madlang pipol, huh?

Eh, tiyak namang mangyayari yan.

Meron naman diyang Public-Private Partnership na popondohan ng P200B para may malilikhang trabaho at pagkakitaan ni Juan.

Subalit ang klaro, ang mga negosyante at mga manonongpats ang higit na tuwang-tuwa rito.

Heto pa, tuwang-tuwa siya sa sinasabi ng mga dayuhan at  negosyante na may pulitikal will si PNoy sa pagrespeto sa mga hike.

Pero hindi ba may halong korapsyon ang mga pinagmulang ng mga hike na yan gaya ng pagdoble ng kontrata sa SLEX mula sa P6 bilyon sa P12B na ngayo’y kinargahan ng 300% hike?

PNoy, nasaan na nga ba ang matuwid na landas? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply