Malaysia dedma pa sa GRP-MILF peace talks

WALA pang pinal na desisyon ang Malaysian government kung payag itong tumayong third-party facilitator sa nilulutong usapang-pangkapayapaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at gobyerno.

Sinabi ni presidential adviser on the peace process Teresita Deles na tanging “positive developments” pa lamang ang kanilang natatanggap mula sa Malaysian government at wala pang final arrangements na itinakda sa usapin.

“Pinadalahan tayo ng mensahe na ina-assure tayo na ang concerns tungkol sa facilitator ay maa-address. Pero hinihintay pa kung ano ang mga specific arrangements tungkol dito,” ani Deles.

Matatandaang pinalagan ni MILF peace panel chairman Mohagher Iqbal ang ulat na pinalitan na ng Malaysia bilang tagapamagitan sa GRP-MILF talks si Datuk Othman bin Abd’ Razak.

Nauna nang iginiit ng Muslim seccessionist group sa kanilang request sa Malaysia na manatiling tagapamagitan para sa pag-usad ng peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas si Othman.

Hiniling ng government peace panel na palitan si Othman dahil sa pagiging “biased” umano nito.

“It’s the call of the Malaysian government. It is not the call of the GRP, it is not the call of the MILF,” ayon kay Iqbal.

Mula pa 2003 ay facilitator na ng usapang pangkapayapaan si Othman.

Binigyang-diin ni Deles na ang mahalaga ay may mga positibong indikasyon para sa panunumbalik ng negosasyon.

Aniya, maaaring mangyayari ito sa loob ng buwang kasalukuyan.

“Mataas naman ang ating kompiyansa doon naman sa mga mensahe na ipinapadala ng Malaysia na mangyayari nga ito,” aniya. “Magkakaroon siguro ng mga unang steps towards the talks, hopefully within this month.” Kris Jose

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply