Manggagawa magpapakalbo bilang protesta sa DOTC

Magpapakalbo ang  mga manggagawa ng LRT at kasapi ng RILES Network sa kilos protesta na gaganapin ngayon araw sa opisina ng Department of Transportation and Communications (DOTC)  upang kondenahin ang anila’y nagpapatuloy na na di makatarungan at kahirapan sa tuwid na daan ng gobyernong Aquino at sa nasabing ahensya.
Kabilang sa magpo-protesta ang 10 manggagawang magpapakalbo para isalarawan ang kanilang pagkadismaya sa patuloy na pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan ng DOTC sa kanilang kahilingang mabayaran na ang kanilang back wage at separation pay na matagal nang ipinag-utos ng Korte Suprema na ibigay sa kanila.

Aabot sa P229 milyon ang nakatakdang ibigay na back wages sa mahigit 200 claimants na orihinal na nagtaguyod noon ng LRT.

Ayon kay Sammy Malunes, Tagapangulo ng Pinag-isang Lakas ng Manggagawa sa LRT (PIGLAS-LRT)-NFWU-KMU,  nangakong makikipag-usap ang mga opisyal ng DOTC batay sa napagkasunduang Technical Working Group na magbabalangkas ng plano sa pagbabayad sa mga manggagawa ng LRT.

“Hindi kami sinipot ng DOTC noong Enero 13, sa kabila ng kanilang pangako matapos kaming mangalampag noong Enero 10.  Umaasa kami na dadalo sila sa nakatakdang pag-uusap ngayon para bigyan kami ng malinaw na tugon kung kailan at paano kami babayaran ng DOTC,” ayon kay Malunes.

Ayon pa kay  Malunes, sobrang tagal na ang isang dekadang pagkakait sa kanila ng hustisya. Iligal na tinanggal ang mga manggagawa ng LRT noong sila ay magsagawa ng strike noong 2000. Pinaboran ng NLRC at Supreme Court ang mga manggagawa sa kanilang isinampang kasong illegal dismissal.

Subalit, kinamatayan na ng ilang manggagawa ang paghihintay ngunit wala silang nakuha kung saan  lumipas ang panahon ni Arroyo at naupo si Aquino, wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga manggagawa. D’Jay Lazaro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply