Manny Pacquiao adik

“Hindi adik sa droga si pound for pound king Manny Pacman Pacquiao gaya ng ibinibintang sa kanya ni undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. subalit adik po siya sa iba’t ibang sugal,” pagsisiwalat ng isang insider mula sa Team Pacquiao na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Sa kabila ng milyon-milyong kinikita sa pagboboksing, ay napupuna ng mga sumusubaybay sa lifestyle ng 8-weight division title holder na nahuhumaling ito sa sugal o isang big-time gambler.

Ang boxing idol na tubong General Santos City at kasalukuyang Congressman ng Sarangani province ay napapansin ng ilang tagasubaybay na aktibo sa mga bigtime na sugal gaya ng sabong  na kung saan tampok siya sa tuwi-tuwinang may high stake derby.

Ayon pa rin sa ulat milyones kung magpatalo sa sugal itong si Pacman na minsan nga ay naubos pa ang pera nito at patunay rito ang ilang tseke nito na tumalbog.

“Kapag tumatalbog ang tseke nito ay agad ring inaayos ng kanyang abogado upang hindi siya lumabas na kahiya-hiya sa mga taong binabayaran niya ng tseke kapag natatalo ito sa sugal,” ayon sa insider.

Bukod sa sabong, kilalang kilala rin si Pacquiao na napakahilig sa larong bilyar  kung saan pumupusta rin siya rito ng milyones.

“Mahusay ring maglaro ng bilyar si Pacman at talagang umuubos ito ng milyones,” dagdag pa ng insider.

Ayon pa sa insider, napakahilig ring maglaro ni Pacman ng larong poker kung saan milyones rin ang kanyang napapanalunan at napapatalo  sa ganitong sugal.

“Hindi dapat iniidolo si Pacman ng mga kabataan dahil sa totoo lang isa itong taong adik sa sugal at walang pakundangan kung lumustay ng salapi basta sa pustahan o sugal,” giit ng insider.

Pero kahit sugarol itong si Pacman ay mabuti naman siyang ama sa mga anak at asawa kay Jinkee dahil kahit sumabit na siya sa maraming babae gaya ng isyu kay Krista Ranillo at Ara Mina ay hindi niya hinahayaang masira ang kanyang pamilya.

Nanghihinayang ang  fans dahil iniisip nila na maaaring sa bandang huli ay magaya lang si Pacman sa dating sikat na heavyweight fighter na si Mike Tyson na noo’y nagkamal ng salapi sa pagboboksing subalit nabangkarote dahil sa hindi maayos na paglustay ng salapi.

Pinayuhan ng fans si Pacman na itigil na  ang kanyang masamang bisyo dahil ito ang sisira sa kanya sa bandang huli.

“Baka ang nakapaligid sa kanya ngayon na mga tao ay mawala kapag naubos na niya sa sugal ang kanyang milyones na salapi,” wika pa ng insider. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply