Mar presidente pa rin ng LP

WALANG mangyayaring balasahan sa liderato ng Liberal Party (LP) kahit napagwagian ng partido ang pinakamataas na puwesto sa gobyerno kaya mananatiling presidente pa rin si dating Sen. Mar Roxas.

Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ayon na rin sa ipinalabas na statement ng LP hinggil sa selebrasyon ng 65th founding anniversary ng partido na gaganapin sa Miyerkoles sa Club Filipino, sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Lacierda, hindi nangangailangan na magkaroon ng palitan ng liderato ng LP dahil buo ang suporta ni Pangulong Aquino sa kakayahan ni Roxas bilang pangulo ng partido

“The president sees no reason to replace Roxas as leader of the Liberal Party. “Roxas remains (president) of the party,” ayon kay Lacierda.

Sinuportahan din ng ilang LP stalwart ang pahayag ni Lacierda kabilang sina  House Deputy Speaker Lorenzo Tanada at House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte.

“No one is questioning the leadership of Mar. President Aquino is still for Mar,” ayon kay Tanada.

Nakatakdang magpulong sa naturang pagtitipon ang 161 miyembro ng National Executive Council upang muling kumpirmahin ang pagiging lider ni Roxas sa partido kabilang ang paghalal ng panibagong opisyal  sa iba’t ibang posisyon ng LP. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply